Kambal Sa Tabing Ilog
ni:
Len Ana
Sa isang tahimik na bayan, may dalawang batang ipinanganak ng sabay. Ang isang bata ay ipinanganak na may marangyang buhay at ipinangalanan itong Shahanie, parehong negosyante ang mga magulang nito at siya lamang ang nag iisang anak ng mag asawang Madrigal kaya mahal na mahal siya at itinuturing prinsesa, samantala, ang isang bata naman ay ipinanganak na may isang-kahig isang tuka lamang ang pamumuhay nila, parehong hindi nakapag aral ang mga magulang ni Roda kaya hirap sa buhay ang pamilya. Namamasukang labandera si Aling Tanyang sa pamilya Madrigal, at si Mang Asyong naman ay nag aararo sa sakahan.
Isang araw, dinala ni Aling Tanyang si Roda sa mansyon ng Madrigal dahil wala itong mapagbibilinan ng anak, dahil sa kakulitan ni Roda ay napunta siya sa may kusina at saktong naroon si Shahanie na umiinom ng tubig, gulat na gulat siya at napasigaw ng "mama...papa.... may bata dito.....!" Agad-agad na kumalipas sa takbo si aling Tanyang upang tignan ang bata, nang makita niya na naroon ang anak ay agad niyang kinuha at humingi ng depensa sa pamilya dahil sa kakulitan ng anak nito. Nagkakatitigan ang dalawang bata at ngumiti sa isa't isa.
"Aling Tanyang, siya po ba ang anak nyo?" tanong ni Shahanie.
"Opo Ma'am Shahanie, pasensya na po kung nagulat kayo kanina, hindi ko naman po kasi alam na pumunta na siya rito sa loob ng bahay." ang paliwanag ni Aling Tanyang.
"walang ano po 'yun, nabigla lang naman po ako dahil wala namang ibang bata sa bahay kundi ako lang" ang sagot ni Shahanie kay Aling Tanyang. "Hello bata, ano ang pangalan mo? pasensya kana kung napagkamalan kita kanina ng magnanakaw, ako nga pala si Shahanie Madrigal" ang sabi ni Shahanie kay Roda sabay abot ng kamay habang ngumingiti.
"ah...eh..." ang sambit ni Roda na nahihiya. "ako nga pala si Roda Tumagan, pasensya na rin kanina kung nagulat kita, naligaw kasi ako, ang laki kasi ng bahay n'yo, kusina palang bahay na namin" wika ni Roda.
Simula noong araw na iyon, ay naging magkaibigan na ang dalawa, pareho silang mababait at masayahing bata, tuwing maglalaba si Aling Tanyang sa Mansyon ay palagi na nitong dinadala ang anak, kaya palagi na rin silang nagkikita, malapit lang sa may ilog ang bayan nila kaya palagi sila ditong pumupunta at naglalaro, nakahiligan na rin ng dalawa ang mamasyal sa tabing ilog at maglaro.
Sumapit ang araw nang pasukan kaya sobang excited si Shahanie na pumasok dahil ito ang unang araw na papasok siya sa paaralan. Habang papunhta siya sa may bakuran nila ay nakita niya si Roda na nakaupo hababg tinititigan ang mga bulaklak.
"ang ganda no?" bilang sambit ni Shahanie sabay pitas bulaklak.
"bakit mo pinitas? diba bawal yan" ani ni Roda
"ok lang yan, ang ganda kasi eh..." ang nakangiting sabi ni Shahanie. "nga pala, saan ka papasok ng eskwelahan, pasukan na sa susunod na linggo excited kana rin ba?" bilang tanong niya.
"hindi naman ako makakapag aral eh, wala kasing pera sina inay at itay" sagot ni Roda habang nakayuko.
Narinig ng mag asawang Madrigal abg pag uusapng dalawang bata at ni Aling Tanyang. Napalumo nalang si Aling Tanyang at namumuo ang mga luha sa kaniyang mga mata.
"huwag kang mag alala, tutulungan kayo namin ng asawa mu, kami na ang mag papaaral sa iyong anak" ang nakangiting sabi ni Mr. Madrigal.
Saktong pumatak ang mga luha ni Aling Tanyang ng marinig ang sabi ng amo nito. "talaga po! maraming salamat po!" at patuloy na itong napa iyak.
Araw ng pasukan, sa pareho silang paraalan pumasok, sabay na rin silang pumunta sa kanilang silid aralan, magkaklasi ang dalawa kaya masayang masaya sila. Nang magsimula na ang klasi ay agad na ipinakikila ng guro nila ang kaniyang sarili at pagkakatapos ay ang mga estyudyante naman ang magpapakilala. Unang nagpakikila si Shahanie.
"hello po! ako nga po pala si Shahanie Madrigal, anim na taong gulang, ang mga magulang ko po ay parehong negosyante at ako lang po ang kanilang nag iisang anak" ang nakangiting paakilala niya.
Sumunod na angpakilala ay si Roda. "hello po, ako nga po pala si Roda Tumagan, anim na taong gulang, ang nanay ko po ay labandera at ang tatay ko po ay magsasaka" ang mahinang pagpapakilala niya habang nahihiya dahil puro mayayaman ang kaniyang kaklasi isa na dito si Shahanie.
"ay poor!" ang sabat ng isa niyang kaklasi at nag tawanan ang lahat.
Napaiyak nalang si Roda hanggang sa pag uwi nila.
"oh anak, bakit ka umiiyak?" ang nag aalalang tanong ni Aling Tanyang sa kaniyang anak.
Hindi sumagot si Roda, iyak lang ito ng iyak, kaya si Shahanie na mismo ang sumgot.
"eh kasi po aling Tanyang, tinukso po siya ng mga kaklasi namin, sabi po nila poor lang daw kayo." ang sumbong ni Shahanie.
"nay, ayoko na pong mag aral" ang umiiyak na sambit ni Roda.
"anak, wag mu silang alalahanin, oo, mahirap lang tayo pero hindi iyon rason para tumigil ka sa pag aaral at sa pangarap mo, wag mu silang intindihin, ang mahalahaga nakakapag aral ka at wala kang tinatapakang tao, ayoko kong matulad ka sa amin ng itay mo na hindi man mlang nakatong tong ng elementarya. kaya wag kang susuko" ang payo ni Aling Tanyang sa anak.
Simula noon ay tumatak sa murang isipan ni Roda ang sinabi ng kaniyang ina kaya nag pursige ito sa pag aaral hanggang sa makatapos sa high school, mula elementarya hanaggang high school ay Valedictorian siya at Salutatorian naman si Shahanie. Nang mag tapos sila ay patuloy parin na pinagpapaaral si Roda ng mga Madrigal hanggang sa kolehiyo, ngunit hindi na sila naging mag kaklasi dahil sa Amerika na nagpatuloy sa pag aaral si Shahanie, ng aral siya nang pag papatakbo ng negosyo dahil siya ang magmamana ng lahat ng negosyo ng kaniyang mga magulang at si Roda naman ay nag aral ng medisena, tuwing katapusan ng buwan ay umuuwi dito si Shahanie upang dalawin ang kaibigan at ang mga magulang nito.
Nang pareho na nilang natapos ang kanikanilang mga kurso ay nag karoon agad si Roda ng posisyon sa isang publikong hospital sa kanilang bayan at si Shahanie naman ay siya na mismo ang nagpapatakbo ng negosyo ng kanialng pamilya, parehong matagumpay sa buhay ang dalawa, pero ang kanilang pagkakaibigan ay hindi parin kumukupas, ang ang kabutihang loob ng dalawa ay hindi parin nag babago, pareho silang tumutulong sa mga kababayan nila, si Roda ay nag bibigay ng libreng gamot at libreng pa check up sa mga mahihirap at si Shahanie naman ay tinutulungang magkaroon ng magandang trabaho ang mga tao sa bayan nila. Dahil sa aking kabaitan ng dalawa ay napamahal narin sila sa mga tao sa bayan,
"kung titignan ng maigi para silang kambal na may malaanghel na puso" ang wika nang taga bayan.
Napangiti nalang ang dalawa sa narining nila. Isang araw ay nagyaya sila na pumunta ilog kung sasaan doon sila naglalaro noong bata pa sila, namangka ang dalawa habang nagkwekwentohan nang hindi nila namalayan na napapalayo na pala sila sa bayan dahil tinatangay ng malakas na agos ng tubig ang bangka nila hanggang kumulob na ito at di na nakita. Nabalitatan ng mga tao ang nangyari sa dalawa, alalang alala ng lahat, hinanap nila ito sa lahat parte ng ilog ngunit ni isang gamit ng dalawa ay walang nagtagpuan. Malungkot na ibinalita ng mag tao sa buong bayan ang sinapit ng dalawa at umiyak nalang ang lahat.
"bakit sila pang may mabubuting kalooban ang kinuha, silang mabubuting tao ay karapat dapat pang manatili sa mundong ito" ang tanging sambit nalng ng ali habang uumiiyak.
"ang kambal ng tabing ilog ay wala na" hikbi ng isang ali..
At ang lahat ay napaiyak nalang at nagdasal na sana ay nasa maayos na kalalagyan ang kaluluwa nang dalawa. At simula noong araw na iyon ay tumatak sa bayan ang pangalan ng dalawa na binansagang ang kambal sa tabing ilog.