Kahirapan ay Hindi Isang Hadlang
ni: Len Dolleno
Sa mundong ito, hindi natin malalaman ang buhay na ating mararanasan, kung mamumulat ba tayo sa buhay na puno ng karangyaan o buhay na isang kahig isang tuka lamang. Mapalad ka kung ang buhay na iyong tinatamasa ay marangya, ngunit, paano kung sa pagmulat ng iyong mga mata sa mundong ito ay puro anino lamang ng mga mithiin ang iyong nakikita?
Marami ang naghangad, nagnais at nangarap ng maginhawang buhay, ngunit nahadlangan ito ng isang bangungot na kay hirap talikuran, ang bangungot ng buhay na kahit sino ay ayaw pagdaanan, buhay na puno ng kakulangan o kakapusan. Ito'y maituturing salot sa ating buhay dahil ito ang sumisira sa ating mga pangarap at hadlang sa ninanais na tagumpay. Ngunnit ang karanasang ito ay hindi sinnasabing hindi sinasadya, dahil sa buhay ng tao ang kahirapan ay hindi isang sumpa kundi ito'y bungga ng katamaran at kapabayaan sa buhay. Ang kahirapan ay madaling lagpasan kung ika'y masigasig at maging masipag sa lahat ng bagay, ito'y isang simmpleng bangungot ng buhay na pwedeng takasan sa pamamagitan ng paggising na may pangarap at buong lakas ng loob na ito'y tapusin. Ang edukasyon ay isang pangunahing sandata para makawala sa kadina ng kawalan, lumikha ng pangarap at abutin ito ng buong tapat upang makamtan at malasapan ang buhay na hinahangad ng sangkatauhan.
Sa buhay, hindi hadlang ang kahirapan upang ang mga pangarap ay makamtan, magtiwala kalang sa iyong sariling kakayahan at huwag sumuko o mag alinlangan na tapusin ang pangarap na iyong nasimulan dahil ang kagustuhang mapasaibabaw ay isang tulay patungo sa buhay na punong kariktan at kaginhawaan, huwag magpaapi sa buhay ng kawalan dahil ito ang magiging rason na matambak ka sa ilalim at hindi na makakabangun pang muli, huwag hayaang makulong ka ng kahirapan, maging matapang at tahakin ang tamang daan patungo sa tagumpay at sa malayo sa kasarinlan na tinatawag nating kahirapan.A
Napapanahon ang pagtalakay mo sa ganitong isyu. Hindi natin maipagkakaila na isa nga ang kahirapan sa mga bagay nahumahadlang sa pagkamit ng edukasyon. Ngunit hindi dapat tayo sumuko sa ating mga mithiin sa buhay at tayo mismo ang gumawa ng hakbang upang makamtan natin ito sa kabila ng kahirapan.
TumugonBurahinMangyari lamang Len na sa susunod ay pumili ka ng akmang fontstyle, medyo masakit kasi sa mata itong nagamit mo.
"ang kahirapan ay hindi isang sumpa kundi ito'y bungga ng katamaran at kapabayaan sa buhay. Ang kahirapan ay madaling lagpasan kung ika'y masigasig at maging masipag sa lahat ng bagay"
TumugonBurahinGaano ka kasigurado na ang kahirapan ay ang bunga ng katamaran kung ang mga manggagawa, magsasaka, mangingisda ay nanatiling mahirap sa kabila ng kanilang pagkayod-kalabaw?
It's been 7 years since sinulat niyo ito, sana iba na ang pananaw niyo ngayon.