Lunes, Pebrero 23, 2015

Sanaysay

Kahirapan ay Hindi Isang Hadlang
 ni: Len Dolleno

          Naghangad  na  magkaroon  ng pakpak ngunit hindi nakalipad dahil sa maigting na pagkakagapos sa isang kadina ng kawalan. Sinubukang makawal subalit walang sapat  na lakas upang takasan ang buhay na kinagisnan, ang buhay na tinawag na kalbaryo ng karamihan.

          Sa mundong  ito, hindi   natin malalaman   ang buhay  na ating  mararanasan, kung mamumulat  ba   tayo sa buhay na puno   ng karangyaan o  buhay  na isang  kahig isang tuka lamang. Mapalad ka kung ang buhay na iyong tinatamasa ay marangya, ngunit, paano kung sa pagmulat ng  iyong mga mata sa mundong ito ay puro anino lamang ng  mga mithiin  ang iyong  nakikita?

          Marami   ang naghangad,   nagnais at nangarap  ng maginhawang  buhay,  ngunit   nahadlangan ito  ng isang bangungot na kay hirap talikuran, ang bangungot ng buhay na kahit sino ay ayaw pagdaanan,  buhay  na puno ng kakulangan o kakapusan. Ito'y maituturing salot sa ating  buhay dahil ito ang sumisira sa ating mga pangarap at  hadlang sa ninanais na tagumpay. Ngunnit ang karanasang ito ay hindi sinnasabing hindi sinasadya, dahil sa buhay ng tao ang kahirapan ay hindi isang sumpa kundi ito'y bungga ng katamaran at kapabayaan sa buhay. Ang kahirapan ay madaling lagpasan kung ika'y masigasig at maging masipag sa lahat ng bagay, ito'y isang simmpleng bangungot ng buhay na pwedeng takasan sa pamamagitan ng paggising na may pangarap at buong lakas ng loob na ito'y tapusin. Ang edukasyon ay isang pangunahing sandata para makawala sa kadina ng kawalan, lumikha ng pangarap at abutin ito ng buong tapat upang makamtan at malasapan ang buhay na hinahangad ng sangkatauhan.

          Sa buhay, hindi hadlang ang kahirapan upang ang mga pangarap ay makamtan, magtiwala kalang sa iyong sariling kakayahan at huwag sumuko o mag alinlangan na tapusin ang pangarap na iyong nasimulan dahil ang kagustuhang  mapasaibabaw ay isang  tulay patungo  sa buhay na punong kariktan at  kaginhawaan, huwag  magpaapi sa buhay ng kawalan dahil ito ang magiging rason na matambak ka sa ilalim at hindi na makakabangun pang muli, huwag hayaang makulong ka ng kahirapan, maging matapang at tahakin ang tamang daan patungo sa tagumpay at sa malayo sa kasarinlan na tinatawag nating kahirapan.A

2 komento:

  1. Napapanahon ang pagtalakay mo sa ganitong isyu. Hindi natin maipagkakaila na isa nga ang kahirapan sa mga bagay nahumahadlang sa pagkamit ng edukasyon. Ngunit hindi dapat tayo sumuko sa ating mga mithiin sa buhay at tayo mismo ang gumawa ng hakbang upang makamtan natin ito sa kabila ng kahirapan.
    Mangyari lamang Len na sa susunod ay pumili ka ng akmang fontstyle, medyo masakit kasi sa mata itong nagamit mo.

    TumugonBurahin
  2. "ang kahirapan ay hindi isang sumpa kundi ito'y bungga ng katamaran at kapabayaan sa buhay. Ang kahirapan ay madaling lagpasan kung ika'y masigasig at maging masipag sa lahat ng bagay"

    Gaano ka kasigurado na ang kahirapan ay ang bunga ng katamaran kung ang mga manggagawa, magsasaka, mangingisda ay nanatiling mahirap sa kabila ng kanilang pagkayod-kalabaw?

    It's been 7 years since sinulat niyo ito, sana iba na ang pananaw niyo ngayon.

    TumugonBurahin